Ano ang isusulat sa iyong imbitasyon

Kopyahin ang isang linya, saka ilagay sa iyong imbitasyon.

Gawin ang iyong imbitasyon

Kasal at engagement

Kasama ang aming mga pamilya, buong galak namin kayong inaanyayahan na makibahagi sa aming kaligayahan sa pagsisimula ng aming bagong buhay na magkasama.

Puno ng pagmamahal at saya ang aming mga puso, at inaanyayahan namin kayong saksihan at ipagdiwang ang simula ng aming habambuhay.

Dalawang kaluluwa, iisang puso. Isang karangalan para sa amin na makasama kayo sa pinakaespesyal na araw na ito.

Ang pag-ibig ang pinakamagandang paglalakbay, at sabik na kaming simulan ang amin. Samahan ninyo kami sa aming pagsasabi ng ‘I do’.

Sa magandang araw na ito, inaanyayahan namin kayong makipagdiwang habang dalawang puso ang nagiging isa. Ang inyong presensya ang bubuo sa aming kaligayahan.

Buong galak at pagmamahal namin kayong inaanyayahan sa aming kasal upang makasama namin sa hiwaga ng araw na hindi malilimutan.

Labis kaming natutuwa na anyayahan kayong saksihan ang pag-iisang dibdib ng dalawang puso at ang simula ng isang magandang bagong kabanata ng aming buhay.

Isang kuwento ng pag-ibig na isinulat ng mga bituin — inaanyayahan namin kayong makipagdiwang sa simula ng aming walang hanggang ligaya.

Kaarawan

Tara, ipagdiwang natin ang isa pang taon ng tawanan, pagmamahalan at cake!

Imbitado ka sa isang birthday party na puno ng mabubuting kaibigan, masarap na pagkain at magandang musika.

Tulungan mo kaming gawing di-malilimutan ang kaarawang ito. Gustong-gusto ka naming makita roon.

Isa na namang ikot sa araw — dapat lang mag-party. Sumama ka!

Mga tema ng party

Ihanda ang inyong dancing shoes: isang 70s disco night, at birthday ang dahilan.

Rumampa sa red carpet kasama namin: isang Hollywood night para sa ating birthday star.

Black and gold buong gabi: isang glamorous na gabi para ipagdiwang ang isa pang taon.

Magdala ng banig at gutom na tiyan: isang birthday picnic sa hardin.

Ihanda ang boses ninyo: karaoke birthday, at bawat kanta ay request.

Bulaklak sa buhok, musika sa hangin: isang tropical birthday party.

Pagsalubong sa baby

Dumating na ang aming munting anghel. Samahan kami sa isang mainit na pagsalubong at munting salu-salo.

Maliliit na kamay, bagong simula at labis na pagmamahal. Halina’t kilalanin ang pinakabagong miyembro ng aming pamilya.

Hapunan o anumang salu-salo

Ikagagalak namin kung makakasama namin kayo sa isang gabing hindi malilimutan.

Samahan ninyo kami sa aming pagtitipon at sabay-sabay tayong magdiwang.

Ang inyong pagdalo ang bubuo sa okasyong ito. Aasahan namin kayo.

Masarap na pagkain, masayang samahan at mainit na pagtanggap ang naghihintay sa inyo.

Gawin ang iyong imbitasyon